Sunday, October 26, 2014

Ruth Nucup

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name: Ruth Nucup
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Ipinagmamalaki ko!


            MapaladnaAsyano
Ikawba ay isangAsyano?Kayamo bang ipagmalakiangpagigingAsyanomo?Kungoo, Anu-anoangmgabagay o katangianangpwedemongmaipagmalaki?Maramikasi satin amgtilanahihiya o pinanghihinaanngloobpagdatingsapanahonnatayo ay tinatanongngmgatagaibangbansa/Kontinnte  kung anoangespesyal o maipagmamalakinatinbilangAsyano.Angsanaysaynaito ay nagbibigaykaalaman kung bakitdapatnatingikunsidera an gating mgasarilibilang MAPALAD NA ASYANO.
            AngAsyaangpinakamalakingkontinentesamundo, kung anoangsukatnitoganoon din dapatangmgabagayna kaya o pwedenatingmaipagmalaki o higit pa. magumpisatayosateknolohiya, hindibatayonangungunadoon? Angmga Apple Gadgets nagawasa china, nagawangmgaAsyano ay sumikathindilamangsaAsyakundisabuongmundo. Hindi langiyon, saatinrinnanggalingang Samsung, Nokia, My Phone, LG, Acer, Asus, at Microsoft naginagamitsngmaramingestudyante, manggagawa at mgataosamundongayonnapingkkakitaannatinngmilyon. Hindi rintayonahuhulipagdatingsa sports o palakasantuladngkayManny Pacquiaonasikatsabuongmundodahilsakagalinganniyasalaranganng Boxing. At kung talent namanangpaguusapan, hindimabibilangsadalirinatinanglahatngtaong may mganakakabilibna talent ditto saasya. Gawinnalangnatinsaisanghalimbawasi Lea Salonganasumikat din sabuongmundo. At alam din nglahatnaangkantang ‘Let ie go’ mulasa Frozen ay ikinomposengisang Pilipino.
 Sa Pagkainnamantayo! Noodles! Na kinainngaonngnakarrami, naginagamitsamgalutong pasta at iba pa. Mulasaatiniyon! At lalorinnatingmaipagmamalakiangkanin.Sobrangdamingmgapagkainangpwedenatingmaipagmalakina kung sabansangpilipinaspalang ay hinditalagangmabilang.
Alammobaang 7 wonders of nature? Narinigmonabaangtungkoldito? Kung alamniyolang may mgalugarsaasyanakasaliditohindikonaitoiisa-isahindahilalamkongmadadagdagan pa iyonsadamingmasasagana at magagandanglikasyamansaatingkontinente.
Ngayon, tunaynga bang maipapagmalakiangAsya?


Thursday, October 23, 2014

Bea Reyes

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name: Bea Reyes
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Ipinagmamalaki ko!


Asyano ako! Ipinagmamalaki ko!
            Ikaw ba ay isang Amerikano, Australiano, European o isang Asyano?
Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong lahi o bansa? Kilala mo ba ang mga kababayan mo sa Asya? Ano ang mga kakayahan na kaya mo bilang isang Asyano? Bat mo ipinagmamalaki ang bansa mo sa Asya? Ito ang mga tanong kung bakit gusto kong ipagmalaki na ako’y isang Asyano.

            “Ako ay isang Asyano at ipinagmamalaki ko iyon.”yan ang mga kasabihanna naririnig ko sa mga kababayan ko ngunit bakit kailangan pa nilang maghirap sa ibang bansa. Ang mga Asyano ay magagaling sa larangan ng pagkanta, sayw, sining , palaro/ isports, pagluluto ng iba’t ibang putahe at marami pang iba. Kaya kunglahat ng mga Asyano ay magtutulungan siguradong aangat ang ating kontinente. Nagunguna na diyan ang Tsina, Korea, Japan India at marami pang iba kaya walang duda na magagaling ang mga Asyano. Tayo rin ay mayayaman sa likas mapalupa o katubigan pa iyan. At dito mo makikita ang mga pinagmamalaki naming mga lugar sa Asya na nasali sa 7 Wonders of the Nature: Jeju Island sa Korea at Underground River sa Pilipinas.Marimi din ang mga landmarks dito sa Asya tulad na lamang ng Great Wall of China sa Tsina , Mt. Fuji sa Japan at TajMahal sa India. 
            “Asyano ako! Ipinagmamalaki ko!” yan ang mga salitang maririnig mo sakin na taas noo kong ipagmamalaki sa buong mundo. Mayaman ang kontinente natin sa mga likas kalupaan o katubigan pa iyan kaya nga balak sakupin ng mga dahuyan ang ating mga bansa. Maraming salamat sa mga bayani ng ating mga bansa na ipinaglaban ang ating kalayaan sa mga mananakop.


Wednesday, October 22, 2014

Christine Joy R. Liscano

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name:  Christine Joy R. Liscano
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki ko!



Asyano ako, Ipinagmamalaki ko!
Sino nga ba ang mga Asyano? Ikaw, Asyano ka ba? Kung ikaw ay Asyano, ipagmamalaki mo ba ito? Ano ba ang mga kanilang katangian nila’t kilala sila saan mang sulok ng mundo? Kahit ano man ang kulay at lahi mo, ipagmalaki sa buong sandaigdigan ang iyong pagkatao.

Sa pitong kontinente ng mundo, ang Asya ang pinakamalaki. Dahil na rin sa laki nito ay marami itong populasyon. Sagana ito sa likas na yaman at maraming kilalang nangingibabaw sa ganda at natatanging lugar rito gaya ng Jeju Island sa Korea at Underground River sa Pilipinas na kasama sa Seven Wonders of the World. Katangi-tangi ang mga Asyano. Kilala sila bilang malikhain, magalang, mabait at talentado. Kilala rin sila sa iba’t ibang larangan ng isports, pag- awit, pagsayaw, pag-arte at maging sa pagluluto. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa kultura, tradisyon, ugali, itsura at lenguwahe ay nagkakaisa sila sa pagtulog sa mga taong nangangailangan. Kahit na marami silang hinaharap na kalamidad, digmaan, at pagsubok ay taas- noon silang tumatayo at hinaharap ang mga ito.

Bilang isang Asyano, aking napagtanto na kahit na may pagkakaiba ang mga Asyano ay nagkakaisa pa rin sila at kahit anong pagsubok ang pagdaanin nila ay tatayo at tatayo pa rin sila. Sa utak at sa dugo Asyano ang nananalaytay kaya dapat nating ipagmalaki kung ano ang mayroon tayo. Ipakita sa sandaigdigan ang mga bagay-bagay na tayo lamang ang makakagawa. Tayo'y magsama-sama para sa kinabukasan ng lahat ng indibidwal na Asyano



Raisa Rei Suba

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name:  Raisa Rei Suba
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki ko!


“Asyano ako ,Ipinagmamalaki ko”
Ayano ako ipinagmamalaki ko! ako ay Pilipino ipinagmamalaki ko ! tatay ko’y isang tagalog ,nanay ko’y pampangenyo, kaming tatlo ay asyano ,maraming maipagmamalaki, hindi mo maita-tanggi, ikaw ano ang lahi mo?
            Dito sa asya ako ay masaya, ako ay malaya kasama ang aking pamilya. Maraming yaman ang asya tulad ng aming mga estraktura, halimbawa na lamang ang Great Wall of China, Taj Mahal sa Indonesia at marami pang magagandang gusali, ito ay likhang asyano kilala sa ibat-ibang sining at kultura pati narin sa aming sarili mga kaugalian at pamamaraan. Marami ring diskriminasyon, pero tanggap ko iyon, ngunit kung itoy hindi katotohanan dapat itong ipaglaban!, wag hayaang magapi porke iba ang iyong lahi, dapat ipagmalaki wag itago na tila isang binhi,huwag magpasailalim lalo na sa mga dayuhang mapanghusga, marami tayong kakayahan sakanila’y ating patunayan, ang ating mga mithiin wag hayaan maliitin, mayroon tayong karapatan, kalayaan, katangain o ibat-ibang kakayahan, kanya-kanyang talento tayo ay kilala tulad na lamang sa larangan ng pagkanta kung saan halimbawa sina Lea Salonga , Regine Velasquez at marami pang iba, mayroon din sa Boxing kung saan nabansagang pambansang kamao ng Pilipinas si Manny Pacquiao, sa pagluluto tulad ni Chef Boy Logro na nagsikap at ngayo’y sikat na sikat na at marami pang talento ng asyano sa ibat-ibang larangan at pamamaraan meron iba na mikikita mo kasama ng saya at pag kakaisa tulad sa mga nagaganap na pag diriwang halimbawa rito ang ibat-ibang Pista na kilala sa kanya-kanyang destinasyon o lugar tulad sa Angono Rizal na kilala bilang Art Capital of the Philippines at kilala din ang kanilang Giant Festival , sa Quezon City nmn ang Pahiyas Festival kung saan ipangdedekorasyon ng bayan ang kanilang mga ani bilang  pasasalamat nila, dito nmn sa Pampangga kilala ang Giant Lanterns at marami pang likhang asyano , mayroon ding magagandang tanawin o pasyalan sa asya halimbawa ang paburitong tourist spot tuwing summer ang Boracay , ang Banawe Rice Terraces sa Baguio City at napakarami pang iba.
            Ipagmalaki mo ang lahi mo , ano man ang iyong katangian , o ano mang meron  ka, ngunit huwag masyado maging mapagtaas, ika nga sa “huwag mong gawain sa iba ang ayaw mong gawin saiyo”kahit pa “hindi ka naman maaapi kung hindi ka magpapa-api ,sigurado akong alam mo naman ang tama sa mali ,hindi ba? “mas nakakataas parin ang taong marunong magpakumbaba”.



Mikaela Lois Banal

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name:  Mikaela Lois Banal
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki ko!



“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko”
                    Paano ko nga ba maipagmamalaki ang aking pagiging asyano? Ano-ano kaya ang mga pwedeng maipagmalaki sa ibang tao? Sa dami ng mga asyano sa buong mundo at sa lawak at laki ng Asya ay masasabi kong marami ang dapat ipagmalaki ng isang asyano tulad ko.
                    Ang Asya ang pinakamalawak at pinakamalaking kotinente sa buong mundo na kung saan ay kabilang ang mga mauunlad at papaunlad na bansa. Una na rito ang bansang Japan na kung saan sila ay nakabangon matapos ang isang malupit na trahedya na gumising sa kanila upang sila ay magkaisa at magtulungan sa oras ng kagipitan at kapahamakan. Ikalawa ang bansang Korea na maunlad sa larangan ng teknolohiya kultura, ekonomiya at sa kanilang  musika at pagarte na kilala sa buong mundo. Ikatlo ang aking bansang Pilipinas na biniyayaan ng magagadang lugar at tanawin tulad ng Banaue Rice Terraces, Underground River, Boracay, Rizal Park, Vigan, Hundred Islands at marami pang iba. Magaling din ang mga Pilipino sa larangan ng Sports tulad ni Manny Pacquiao na nagbigay karangalan sa Pilipinas dahil sa galing niya sa larangan ng boxing at ang Gilas Pilipias na magaling sa larangan ng basketball na nagbigay karangalan sa katatapos na World Cup. Kahit hindi sila ang nag kampeon, tayo parin ang bansang nanalo sa dami ng mga taga suportang Pilipino. Tayo ay maunlad sa kultura at tradisyon, pati na rin sa larangan ng pagarte at musika ay kilala tayo sa buong mundo.
                  Masasabi ko na ngang marami akong maipagmamalaki bilang isang asyano. Maihahalintulad ko ang Asya sa isang magandang paraiso dahil sa mga magagandang lugar at tanawin na ipinagkaloob sa ating mga asyano. Hinding hindi ko ikakahiya ang aking bansang kinagisnan dahil dito ako lumaki at dito nabuo ang aking pagkatao.


Reniel Dizon

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name:  Reniel Dizon
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki ko!


           
Asyano ako, Ipinagmamalaki ko!
            Mga asyanong katulad ko ay mga masisipag, matiyaga, determinado at may lakas na loob sa mundong ito. Tayo ay may lakas at atapang na laging handa sa anumang pagsubok na dumating sa sarili. Tayo’y kinikilala bilang maalaga at isang mabuting asyano. Ito ang mga karakter ng mga asyano tulad ko at hindi ito maglalaho.
Isa akong asyano at ipinangangalandakan kong ipinangak akong asyano dahil ako’y isang masipag na tao at may determinasyon at pagasa tulad ng namayapang Nelson Mandela na nabuhay na may isang “Pag-asa” at “Determinasyon”. Ito rin ang mga katangian ng  isang asyano tulad ko. Masasabi nating matalino rin ang mga asyano sa kabuhayan at teknolohiya na ipinapakita nating mga asyano. Katulad na rin dito ang Japan, isa na itong ganap na maunlad na bansa na katunayan ay gumagamit silang mataas na antas ng teknolohiya. Kaya na nilang bumuo ng isang higanteng robot. May isa pang asyanong mahusay sa pampalakasan tulad ng mga boksengerong na sina Pacquiao at Donaire. Nabuhay lng sa simpleng buhay at dahil nga sa pagsisikap at pag-asa na makakamtam niya hanggan makamit niya ito. Mayroon din maraming asyano na mahuhusay kagaya ni Lea Salonga na nakasale sa “Miss Saigon” at si Rachelle Ann Go.

Hindi na kailangan magpakadalubhasa bilang ganap na asyano kundi kailangan mo ng tanggapin kung anong klaseng lahi o katangian meron ka. Tulad naming mga asyano ay may katangiang din medyo may masama ng bahagya at minsan may mabuti rin. Gusto ko sanang kasing husay ni Michael Jordan kaya lang may isa akong talento na wala si Jordan. At isa akong asyano at ipinagmamalaki ko ito!

Tuesday, October 21, 2014

Genmerch C.Manabat

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name: Genmerch C. Manabat       
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako


“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko,
Asyano ko Ipinagmamalaki mo ba?
            Asyano ako at ipinagmamalaki ko itosaan mang panig ng mundo ikaw ba? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong pagiging asyano? Ang Mga Asyano ay likas na mayayaman at likas din maabilidad sa iba’t ibang larangan. Hindi mo ba ikinahihiya itong mga abilidad na ito? Kayamanan at Kulturang ito?
            Ang mga Asyano ay likas na maabilidad kung ikukumpura mo sa mga ibang tao sa ibang panig ng mundo. Bagamat hindi man pinalad sa lakiat kulay ng kutis ay likas na nakikipag sabayan ito sa buong mundo. Kung ako ang iyong tatanungin ay ipinagmamalaki ko ang mga ito dahil napapahanga natin ang buong mundo sa ating nagagawa sa iba’t ibang larangan. Marami din ang mga dayuhan ang naiinggit sa kayang gawin nating mga asyano. Isa sa mga dapat ipagmalaki ng mga o nating mga Asyano ay ang kulay ng ating kutis dahil marami sa ngayon na asyano ang ikinahihiya ang kulay ng ating balat ngunit hindi nila alam na dapat itong ipagmalaki dahil mas marami ang naiinggit sa ating kulay dahil ito ay likas sa atin.
            Isa pa sa maipagmamalaki natin ay ang ating abilidad dahil ito ay napatunayan natin noong nakikipag sabayan tayo  sa larangan ng basketball sa buong mundo sa nakaraang FIBA world cup. Hindi man tayo pinalad na maging matangkad ay karapat dapat lang natin itong ipagmalaki dahil ay nakuha nating makipag sabayan sa kanila.
            Pagdating naman sa kultura ay likas din tayong mayaman kung ikukumpara sa iba dahil sa Asya ang Kaunaunahang Imperyo sa buong mundo ditto lahat nagsimula ang mga naunang kabihasnan. Kung ako ang tatanungin ay hindi mo lang ito dapat ipagmalaki kung hindi na rin ay payamanin.
            Lahat tayo na nilalangay may likas na abilidad mula sa iba ibang panig ng mudo. Lahat tayo ay binigyan ng iba’t ibang kaalaman na dapat nating ipagmalaki mo ito taga saan ka mon ay ipagmalaki mo ito maging sino ka man ay ipagmalaki mo ito dahil ito ay likas sayo at kailangang ipagmalaki.