Claro M. Recto Information and
Communication Technology High School
Doña
Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone
#(045) 887 5502
Name: Mikaela Lois Banal
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki
ko!
“Asyano
ako, Ipinagmamalaki ko”
Paano ko nga ba
maipagmamalaki ang aking pagiging asyano? Ano-ano kaya ang mga pwedeng
maipagmalaki sa ibang tao? Sa dami ng mga asyano sa buong mundo at sa lawak at
laki ng Asya ay masasabi kong marami ang dapat ipagmalaki ng isang asyano tulad
ko.
Ang Asya ang pinakamalawak
at pinakamalaking kotinente sa buong mundo na kung saan ay kabilang ang mga
mauunlad at papaunlad na bansa. Una na rito ang bansang Japan na kung saan sila
ay nakabangon matapos ang isang malupit na trahedya na gumising sa kanila upang
sila ay magkaisa at magtulungan sa oras ng kagipitan at kapahamakan. Ikalawa
ang bansang Korea na maunlad sa larangan ng teknolohiya kultura, ekonomiya at
sa kanilang musika at pagarte na kilala
sa buong mundo. Ikatlo ang aking bansang Pilipinas na biniyayaan ng magagadang
lugar at tanawin tulad ng Banaue Rice Terraces, Underground River, Boracay,
Rizal Park, Vigan, Hundred Islands at marami pang iba. Magaling din ang mga
Pilipino sa larangan ng Sports tulad ni Manny Pacquiao na nagbigay karangalan
sa Pilipinas dahil sa galing niya sa larangan ng boxing at ang Gilas Pilipias
na magaling sa larangan ng basketball na nagbigay karangalan sa katatapos na
World Cup. Kahit hindi sila ang nag kampeon, tayo parin ang bansang nanalo sa
dami ng mga taga suportang Pilipino. Tayo ay maunlad sa kultura at tradisyon,
pati na rin sa larangan ng pagarte at musika ay kilala tayo sa buong mundo.
Masasabi ko na ngang marami
akong maipagmamalaki bilang isang asyano. Maihahalintulad ko ang Asya sa isang
magandang paraiso dahil sa mga magagandang lugar at tanawin na ipinagkaloob sa
ating mga asyano. Hinding hindi ko ikakahiya ang aking bansang kinagisnan dahil
dito ako lumaki at dito nabuo ang aking pagkatao.

No comments:
Post a Comment