Tuesday, October 21, 2014

Genmerch C.Manabat

Description: C:\Users\Administrator\Desktop\logo.pngClaro M. Recto Information and Communication Technology High School
Doña Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone #(045) 887 5502
Description: Description: logo2 copyE-mail Add: cmricthsangelescity@yahoo.com             Website: www.cmricthsangeles.tk

Name: Genmerch C. Manabat       
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako


“Asyano ako, Ipinagmamalaki ko,
Asyano ko Ipinagmamalaki mo ba?
            Asyano ako at ipinagmamalaki ko itosaan mang panig ng mundo ikaw ba? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong pagiging asyano? Ang Mga Asyano ay likas na mayayaman at likas din maabilidad sa iba’t ibang larangan. Hindi mo ba ikinahihiya itong mga abilidad na ito? Kayamanan at Kulturang ito?
            Ang mga Asyano ay likas na maabilidad kung ikukumpura mo sa mga ibang tao sa ibang panig ng mundo. Bagamat hindi man pinalad sa lakiat kulay ng kutis ay likas na nakikipag sabayan ito sa buong mundo. Kung ako ang iyong tatanungin ay ipinagmamalaki ko ang mga ito dahil napapahanga natin ang buong mundo sa ating nagagawa sa iba’t ibang larangan. Marami din ang mga dayuhan ang naiinggit sa kayang gawin nating mga asyano. Isa sa mga dapat ipagmalaki ng mga o nating mga Asyano ay ang kulay ng ating kutis dahil marami sa ngayon na asyano ang ikinahihiya ang kulay ng ating balat ngunit hindi nila alam na dapat itong ipagmalaki dahil mas marami ang naiinggit sa ating kulay dahil ito ay likas sa atin.
            Isa pa sa maipagmamalaki natin ay ang ating abilidad dahil ito ay napatunayan natin noong nakikipag sabayan tayo  sa larangan ng basketball sa buong mundo sa nakaraang FIBA world cup. Hindi man tayo pinalad na maging matangkad ay karapat dapat lang natin itong ipagmalaki dahil ay nakuha nating makipag sabayan sa kanila.
            Pagdating naman sa kultura ay likas din tayong mayaman kung ikukumpara sa iba dahil sa Asya ang Kaunaunahang Imperyo sa buong mundo ditto lahat nagsimula ang mga naunang kabihasnan. Kung ako ang tatanungin ay hindi mo lang ito dapat ipagmalaki kung hindi na rin ay payamanin.
            Lahat tayo na nilalangay may likas na abilidad mula sa iba ibang panig ng mudo. Lahat tayo ay binigyan ng iba’t ibang kaalaman na dapat nating ipagmalaki mo ito taga saan ka mon ay ipagmalaki mo ito maging sino ka man ay ipagmalaki mo ito dahil ito ay likas sayo at kailangang ipagmalaki.


No comments:

Post a Comment