Claro M. Recto Information and
Communication Technology High School
Doña
Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone
#(045) 887 5502
Name: Reniel Dizon
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki
ko!
Asyano
ako, Ipinagmamalaki ko!
Mga asyanong katulad ko ay mga masisipag, matiyaga,
determinado at may lakas na loob sa mundong ito. Tayo ay may lakas at atapang
na laging handa sa anumang pagsubok na dumating sa sarili. Tayo’y kinikilala
bilang maalaga at isang mabuting asyano. Ito ang mga karakter ng mga asyano
tulad ko at hindi ito maglalaho.
Isa
akong asyano at ipinangangalandakan kong ipinangak akong asyano dahil ako’y
isang masipag na tao at may determinasyon at pagasa tulad ng namayapang Nelson
Mandela na nabuhay na may isang “Pag-asa” at “Determinasyon”. Ito rin ang mga
katangian ng isang asyano tulad ko.
Masasabi nating matalino rin ang mga asyano sa kabuhayan at teknolohiya na
ipinapakita nating mga asyano. Katulad na rin dito ang Japan, isa na itong
ganap na maunlad na bansa na katunayan ay gumagamit silang mataas na antas ng
teknolohiya. Kaya na nilang bumuo ng isang higanteng robot. May isa pang
asyanong mahusay sa pampalakasan tulad ng mga boksengerong na sina Pacquiao at
Donaire. Nabuhay lng sa simpleng buhay at dahil nga sa pagsisikap at pag-asa na
makakamtam niya hanggan makamit niya ito. Mayroon din maraming asyano na
mahuhusay kagaya ni Lea Salonga na nakasale sa “Miss Saigon” at si Rachelle Ann
Go.
Hindi
na kailangan magpakadalubhasa bilang ganap na asyano kundi kailangan mo ng
tanggapin kung anong klaseng lahi o katangian meron ka. Tulad naming mga asyano
ay may katangiang din medyo may masama ng bahagya at minsan may mabuti rin.
Gusto ko sanang kasing husay ni Michael Jordan kaya lang may isa akong talento na wala si Jordan. At isa akong asyano at ipinagmamalaki ko
ito!

No comments:
Post a Comment