Claro M. Recto Information and
Communication Technology High School
Doña
Aurora St., Claro M. Recto, Angeles City
Telephone
#(045) 887 5502
Name: Christine Joy R. Liscano
Year and Section: 9-Hopper
Topic: Asyano ako! Pinagmamalaki
ko!
Asyano
ako, Ipinagmamalaki ko!
Sino
nga ba ang mga Asyano? Ikaw, Asyano ka ba? Kung ikaw ay Asyano, ipagmamalaki mo
ba ito? Ano ba ang mga kanilang katangian nila’t kilala sila saan mang sulok ng
mundo? Kahit ano man ang kulay at lahi mo, ipagmalaki sa buong sandaigdigan ang
iyong pagkatao.
Sa pitong kontinente ng
mundo, ang Asya ang pinakamalaki. Dahil na rin sa laki nito ay marami itong
populasyon. Sagana ito sa likas na yaman at maraming kilalang nangingibabaw sa
ganda at natatanging lugar rito gaya ng Jeju Island sa Korea at Underground
River sa Pilipinas na kasama sa Seven Wonders of the World. Katangi-tangi ang
mga Asyano. Kilala sila bilang malikhain, magalang, mabait at talentado. Kilala
rin sila sa iba’t ibang larangan ng isports, pag- awit, pagsayaw, pag-arte at
maging sa pagluluto. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa kultura, tradisyon,
ugali, itsura at lenguwahe ay nagkakaisa sila sa pagtulog sa mga taong
nangangailangan. Kahit na marami silang hinaharap na kalamidad, digmaan, at
pagsubok ay taas- noon silang tumatayo at hinaharap ang mga ito.
Bilang isang Asyano, aking napagtanto na kahit
na may pagkakaiba ang mga Asyano ay nagkakaisa pa rin sila at kahit anong
pagsubok ang pagdaanin nila ay tatayo at tatayo pa rin sila. Sa utak at sa dugo
Asyano ang nananalaytay kaya dapat nating ipagmalaki kung ano ang mayroon tayo.
Ipakita sa sandaigdigan ang mga bagay-bagay na tayo lamang ang makakagawa.
Tayo'y magsama-sama para sa kinabukasan ng lahat ng indibidwal na Asyano

No comments:
Post a Comment